Home NATIONWIDE LEDAC bills, tututukan ng Senado; ROTC bill, tablado muna – Escudero

LEDAC bills, tututukan ng Senado; ROTC bill, tablado muna – Escudero

148
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na tututukan ng Senado ang ilang economic bills na inilatag sa Legislative Executive Development Advisory Council (Ledac).

Sa pahayag, sinabi din ni Escudero na pansamantalang tinanggal sa priority measures ang Mandatory ROTC Bill upang makakalap muna nang mas malawak na impormasyon hinggil dito.

“Well, pangunahin namin itong economic bills na na-identify sa Ledac para sa darating na session na ito ng Kongreso dagdag pa d’on yung priorities ng Kamara at Senado sa mga indibidwal naman na bill na isinusulong ng iba’t-ibang mga miyembro natin at ng Kamara. ” ayon kay Escudero sa ambush interview.

“Lahat y’on pagsasabay-sabayin na namin sa humigit-kumulang siyamnapu’t tatlong araw ng session bago kami mag-adjourn sa darating na naman na Sona sa 2025,” aniya.

Isinagawa ni Escudero ang statement bago ang ikatlong State of the Nation Address (Sona) ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa July 22. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here