Home METRO 5 sugatan sa sumalpok na bus sa trak sa CamSur

5 sugatan sa sumalpok na bus sa trak sa CamSur

MANILA, Philippines – Sugatan ang limang indibidwal matapos na sumalpok ang isang pampasaherong bus sa nakaparadang trak sa gilid ng Andaya Highway, Barangay Cabutagan, Lupi, Camarines Sur.

Ang insidente ay nangyari alas-4 ng umaga nitong Sabado, Marso 9.

Sa impormasyon, nawasak ang unahan ng bus sa lakas ng pagkakabangga at inabot pa ng halos tatlong oras para maalis ang drayber ng bus na naipit sa nayuping bahagi nito.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang drayber ng bus kasama ang apat na pasaherong sugatan din.

Isinugod na sa ospital ang lahat ng mga sugatan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Lupi Municipal Police Station sa insidente. RNT/JGC