Home NATIONWIDE 36 PCG officers kinilala sa serbisyo sa WPS

36 PCG officers kinilala sa serbisyo sa WPS

MANILA, Philippines – Kinilala ng Philippine Coast Guard ang 36 tauhan ng patrol vessel na BRP Malabrigo sa kanilang pagdepensa sa sovereign rights ng bansa sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal, sa West Philippine Sea.

Tinanggap ng mga awardee ang Coast Guard bronze cross medal at ribbon sa seremonya na pinangunahan ni PCG Admiral Ronnie Gil Gavan sa Maynila.

Matatandaan na naging matunog na naman ang balita ng panggigipit ng China sa mga barko ng Pilipinas.

Isa na rito ay ang pagbangga at pambobomba ng water cannon ng barko ng China sa barko ng Pilipinas, na matatandaang ginawa na rin ng nasabing bansa noong nakaraang taon. RNT/JGC

Previous article‘Yes’ votes nanaig sa Marawi plebiscite – Comelec
Next article5 sugatan sa sumalpok na bus sa trak sa CamSur