Home HOME BANNER STORY ‘Yes’ votes nanaig sa Marawi plebiscite – Comelec

‘Yes’ votes nanaig sa Marawi plebiscite – Comelec

MANILA, Philippines – Matagumpay at maayos na natapos ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng plebisito upang pagtibayin ang paglikha ng tatlong barangay sa mga natatangi at independyenteng barangays sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ayon sa Comelec, lahat ng walong (8) clustered precincts sa tatlong voting centers ng barangay Dulay, Kilaa at Patan ay nagbukas at nagsimula ang botohan alas-7 ng umaga at natapos alas-3 ng hapon gaya ng nakatakda.

Mula sa 2,265 registered voters ng kalahok na barangay, kabuuang 2,123 botante ang nakaboto.

Nasa 2,121 ang bumoto ng YES upang pagtibayin ang paglikha ng tatlong bagong barangay habang dalawa (2) lamang ang bomoto ng NO para sa kabuuang voter turnout na 93.73%.

Sa Barangay Sultan Corobong na nilikha mula sa Barangay Dulay Proper: ang total registered voters ay 395; ang bumoto lamang ay 387 at lahat ay bumoto ng Yes.

Sa barangay Sultan Panoroganan na nilika mula sa barangay Kilala: ang total registered voters ay 635 kung saan 597 ang nakaboto at lahat din ay bomoto ng Yes.

Habang sa Barangay Angoyao na nilikha mula sa Barangay Patani: ang registered voters ay nasa 1,235 kung saan 1,139 lamang ang nakaboto. Ang mga botanteng bumoto ng Yes ay 1,137 habang dalawa (2) lamang ang tumutol o bomoto ng NO.

Nagpahayag naman ang Comelec ng pasasalamat sa lahat ng katuwang na ahensya upang maisagawa ang plebisito nang maayos, payapa at ligtas.

Kasama rito ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang buong suporta ng Marawi City Local Government Unit.

Sa ngayon, mayroon nang 101 barangay ang Marawi City. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleAiko at Eric, nag-throwback sa naunsyaming relasyon!
Next article36 PCG officers kinilala sa serbisyo sa WPS