Home ENTERTAINMENT Aiko at Eric, nag-throwback sa naunsyaming relasyon!

Aiko at Eric, nag-throwback sa naunsyaming relasyon!

Manila, Philippines – Age gap ang dahilan kung bakit hindi nagkaroon ng katuparan sa tunay na buhay ang relasyon sana nina Aiko Melendez at Eric Quizon.

It was Eric who pointed out sa vlog interview sa kanya ang rebelasyong ito.

Theirs was a screen tandem noong 70s-80s na sumikat, prompting their fans na tiyak na mauuwi sa seryosohan ang kanilang working relationship.

Pagbabalik-alaala ni Eric, teenager pa lang noon ang ngayo’y Quezon City District 1 Councilor.

“Nine years ang tanda ko sa kanya,” pag-amin ng 56 anyos na actor-director at ngayo’y talent center head ng Net25.

Gayunpaman, kuwento ni Eric ay napakakumportable raw nila ni Aiko sa isa’t isa.

Theirs was sweetness na walang halong ni katiting na malisya.

Same with Aiko nang tanungin at a recent mediacon for her latest teleserye.

In fact, hindi man sila nagkatuluyan ay ninong naman si Eric ng panganay na anak ng aktres ns si Andrè.

“Saka akala ko, ‘di niya ako type!” sey ni Aiko.

As we all know, single pa rin si Eric hanggang ngayon.

Pero dinaig pa raw niya ang may anak dahil sa

kanyang tungkulin sa Net25 with 18 talents at his disposal.

But Eric is not closing his doors on having a life partner.

“Daddy (Dolphy) ko nga, 65 years old nagkaanak pa!” natatawang sabi ni Eric.

Back to Aiko, the actress takes pride in her upcoming TV series.

Playing the role of a lawyer, 20 days daw naka-lock in taping ang cast sa Baguio.

Si Ogie daw ang nag-ayos ng kanyang schedule bilang Konsehala such as her session days para nagagampanan pa rin daw ang kanyang sinumpaang duties sa mga constituents niya. Ronnie Carrasco III

Previous articleMga trabaho sa MIAA ligtas sa NAIA privatization
Next article‘Yes’ votes nanaig sa Marawi plebiscite – Comelec