MANILA, Philippines – Ang limang person-of-interest sa firecracker explosion sa Tondo, Manila na ikinamatay ng isang 12-anyos na bata ay opisyal nang tinag bilang mga suspek.
Ito ay matapos silang hindi sumuko sa Manila Police District (MPD).
Ihahain ng MPD ang kasong reckless imprudence resulting in homicide at serious physical injuries, pati na rin paggamit ng ilegal na paputok.
Kasalukuyang hinihintay ng pulisya ang resulta ng forensic examination sa insidente.
Batay sa imbestigasyon, ang nasabing paputok ay isang “atomic bomb,” isang ilegal na uri ng firecracker.
Patuloy ang pulisya sa paghahanap ng CCTV footage at saksi para matukoy ang mga responsable. RNT/MND