Bulacan – Syut sa kulungan ang limang indibiduwal matapos umanong mahulihan ng P680,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Emmanuel Luis, 40, Aries Dave, 28, Steven Carl 21 kapwa binata, residente ng Brgy. Kaypian, Arowena, 40 at Alexie Abes, 41, may-asawa ng Brgy. Graceville.
Sa report ng SJDM police kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, ikanasa ang operasyon bandang 8:50 ng gabi nitong Mayo 27 sa Brgy. Kaypian.
Nakumpiska sa operasyon ang kabuuang 100 grams na pinaghihinalaang shabu na may standard price na P680,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III