Home NATIONWIDE Remulla nananatiling naka-work from home – DOJ

Remulla nananatiling naka-work from home – DOJ

MANILA, Philippines – Patuloy na nagpapalakas si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla mula sa kanyang heart bypass surgery halos isang taon na ang nakalipas.

Sinabi ni DOJ Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano, posibleng pumasok na sa tanggapan ang kalihim sa lalong madaling panahon.

Kahit aniya nasa bahay si Remulla ay nakatutok pa rin ito sa tungkulin. Araw-araw aniya nagbibigay ng mga tagubilin si Remulla sa mga undersecretaries at assistant secretaries.

Bukod sa online meetings ay bumisita rin ang mga DOJ officials sa bahay ni Remulla.

“We are able to visit him in his home where he has a home office.”

Ayon kay Clavano, mababa pa rin ang immune system ni Remulla dahil sa mga gamot na iniinom.

Sumusunod lamang aniya ang kalihim sa utos ng kanyang mga doktor na maghinay-hinay muna sa trabaho dahil hindi biro ang dumaan sa limang heart bypass. Teresa Tavares