Home OPINION PTV-4 JOB ORDER WORKERS, MAY SOCIAL PROTECTION NG SSS

PTV-4 JOB ORDER WORKERS, MAY SOCIAL PROTECTION NG SSS

MAY social protection na ang higit kumulang 600 job order workers ng PTV (Channel 4) o People’s Television Network, Inc. matapos nitong pumasok sa KaSSSangga Collect Program ng SSS o Social Security System.

Base sa pinakahuling talaan ng SSS, dumagdag sila sa 430,000 na JOs at contract of service workers sa 3,197 local government units, national agencies, state universities and colleges, at local water districts na naging miyembro na rin ng SSS.

Nagkaroon ng paglagda sa isang MOU o Memoramdum of Understan­ding sina SSS president and chief exe­cutive officer (PCEO) Rolando Ledesma Macasaet at PTV general manager Analisa Puod kamakailan.

Sa ilalim ng kasunduan, ituturing na self-employed ang mga kawani ng PTV at sa pamamagitan ng salary deduction ay ire-remit ng network ang kontribusyon ng mga ito sa SSS.

Hindi sakop ng GSIS o Government Service Insurance System ang  mga JO at contract of service worker dahil sa kawalan ng “employee – employer relationship”.

Bilang mga miyembro na ng SSS, magkakaroon na sila ng karapatan sa mga benepisyo at programa ng ahensiya kabilang ang security benefits sa sickness, maternity, disability, retirement, funeral at death benefits.

Puwede rin silang makinabang sa mga SSS loan na salary at calamity sa panahon ng kagipitan at pangangaila­ngan.

Mayroon din silang additional co­verage mula sa Employees’ Compensation Program para sa mga work-related sickness, disability or death, kung dahil sa trabaho ang pagkakaroon ng karamdaman o pinsala na maaaring magresulta sa disability o pagkamatay.

Paliwanag ni PCEO Macasaet, kapag mayroong 120 kontribusyon ang isang miyembro ng SSS ay sigurado na siyang makatatanggap ng buwanang pensyon na depende sa kanyang naihulog.

Awtomatiko rin na pasok sila Wor­kers’ Investment and Savings Program (WISP) na isang compulsory provident fund para sa mga miyembro na mahigit sa Php 20,000 ang buwanang kinikita.

Sa panahon ng pagreretiro ay ma­kukuha nila ang kanilang nailagak sa WISP kasama ng mga tinubo ng kani­lang pera dahil ang SSS ay ginamit ito sa mga makabuluhang investments para lumago.

Nagpasalamat naman si GM Puod sa SSS at may social protection na ang kanilang mga kawani.