Home METRO 5 timbog sa pagtangay ng sasakyan sa Las Piñas

5 timbog sa pagtangay ng sasakyan sa Las Piñas

155
0

MANILA, Philippines – Arestado ang limang katao matapos tangayin ang isang sasakyan sa Las Piñas City Lunes ng gabi, Setyembre 30.

Kinilala ni Las Piñas City police chief P/Col. Sandro Jay Tafqalla ang mga nadakip na mga suspek na sina alyas Floyd, 26, alyas Napoleon, 23, at alyas Jefferson, 27, pawang mga collection agent; alyas Jeric, 27, helper; at ang driver na si alyas Jaime, 55.

Base sa report na isinumite ni Tafalla kay Southern Police District (SPD) Director PBGEN Bernard Yang, naganap ang pagdakip sa mga suspek dakong alas 8:22 ng gabi sa Barangay Talon Tres, Las Piñas City.

Napag-alaman na ang mga suspek ay konektado sa isang credit management company at towing service na ilegal at puwersahang tumangay sa isang Suzuki Alto na pag-aari ni alyas Angelo, 42, sa kanyang tirahan.

Sa pagkakataong iyon ay agad na humingi ng responde ang biktima ngunit pagdating ng mga pulis ay natangay na ng mga suspek ang sasakyan.

Sinabi ni Tafalla na natunton ng mga operatiba ang kinaroonan ng mga suspek at nang hanapan ang mga ito ng legal na dokumento sa towing operation ay wala itong maipakita na nagdulot ng kanilang pagkakaaresto.

Naiturnover naman sa tanggapan ng Las Piñas police Anti-Carnapping Unit (AnCar) ang narekober na sasakyan dakong alas 1:00 ng madaling araw ng Oktubre 1 para sa imbestigasyon at disposisyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti Carnapping Act of 2016) ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Las Piñas City police. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here