NEW YORK – Limang manlalaro mula sa Estados Unidos ang niraranggo sa top 15 ng Women’s Tennis Association sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang dekada, sinabi ng USTA kahapon.
Nanguna sa American charge ang world number two na si Coco Gauff na sinundan ng sixth-ranked Jessica Pegula at Danielle Collins, na umakyat ng dalawang puwesto sa ika-siyam sa listahan sa gitna ng isang kahanga-hangang farewell season.
Si Madison Keys ay nasa ika-14 na pwesto habang si Emma Navarro ay tumalon ng dalawang puwesto sa isang career-high na ika-15 matapos maabot ang kanyang unang major quarter-final sa Wimbledon.
Ang huling pagkakataong limang Amerikanong babae ang natampok sa nangungunang 15 ay noong Mayo 24, 2004, nang si Lindsay Davenport ay pang-apat sa mundo.