Home NATIONWIDE Yosi ban sa mga piitan ipinanawagan

Yosi ban sa mga piitan ipinanawagan

101
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Health (DOH) noong Lunes, Hulyo 15, para sa mas mataas na pagpapatupad ng smoking ban sa mga kulungan dahil sa nangungunang mag sakit sa mga bilanggo ang upper respiratory tract infections at hypertension.

“I think we should ban smoking in our jails because the top diseases are hypertension and chronic obstructive lung disease,” sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa sa ceremonial signing ng National Policy on Promotion and Protection of Health in Jails, Prisons, Custodial Facilities, and Other Places of Detention na ginanap sa The Manila Hotel.

Binanggit din ng kalihim ang ulat mula sa DOH-Health Promotion Bureau Director Lorra Angelia Sayson , na nagpapakita na ang upper respiratory tract infections tulad ng tonsillitis, pharyngitis, tonsillopharyngitis, sinusitis, coughs, colds, at influenza (nangunguna ), gayundin ang hypertension (pumangalawa) at severe toothaches (pungatlo ) ang mga nangungunang mga sakit sa mga persons deprived of liberty (PDLs).

Ang nasabing datos ay mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang ilang mga pag-aaral ay nagpapahiwatig ng isang link sa pagitan ng paninigarilyo at karamihan sa mga sakit na nakakaapekto sa mga PDL.

Samantala, sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo sa press conference sa nasabing kaganapan na ipinagbabawal ng BJMP ang sigarilyo sa detencion facilities.

Binigyang-diin niya na “nakikinabang ang lahat” sa pagbabawal sa paninigarilyo.

Ipinaliwanag pa ni Domingo na ang pagbabawal sa paninigarilyo at vaping sa mga lugar ng piitan ay hindi lamang mga PDL kundi pati na rin ang kanilang mga bisita, partikular na ang mga buntis at kanilang hindi pa isinisilang na mga anak. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here