Home METRO 50 inilikas sa sagupaan ng mga pulis, rebelde

50 inilikas sa sagupaan ng mga pulis, rebelde

MANILA, Philippines- Halos 50 indibidwal ang inilikas sa Cagayan matapos ang engkwentro sa pagitan ng mga pulis at hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sinabi ng Cagayan Provincial Information Office na nakasagupa ng Regional Mobile Force Company (RMFB2) ang mga hinihinalang rebelde dakong alas-7:30 ng gabi nitong Huwebes sa Barangay Niug Norte sa Santo Niño.

Dinala ang evacuees sa isang barangay gymnasium upang tiyakin ang kanilang kaligtasan.

“Naglatag na rin ng high risk checkpoint ang mga kapulisan sa Barangay Centro at nakipag-ugnayan na rin ang tropa ng pamahalaan sa iba pang unit upang mamonitor ang sitwasyon sa lugar,” anito. RNT/SA