Home NATIONWIDE 1 sa 3 pamilyang Pinoy, bike users – sarbey

1 sa 3 pamilyang Pinoy, bike users – sarbey

MANILA, Philippines- Isa sa tatlong pamilyang Pilipino ang bike users, ayon sa survey na inilabas nitong Huwebes ng Social Weather Stations (SWS).

Batay sa poll, 10 million (36%) ng households sa buong bansa ang may isang miyembro na gumagamit ng bisikleta– mas mataas mula sa 7.3 million (29%) noong April 2022 at 6.2 million (24%) noong May 2021.

Sinabi ng SWS na halos 7.5 million Filipino households (27%) ang nagbibisikleta para sa recreational activities, habang 6.7 million (24%) ang ginagamit ito para sa essential activities.

Nakapagtala rin ang pollster ng mas mataas na bicycle owners kumpara sacar owners, na may 4:1 ratio. Anang SWS, pareho ang bilang na ito noong April 2022 at May 2021, subalit mas mataas sa 2:1 ratio noong May, July, at September 2020 surveys.

“Thirteen national SWS surveys from May 2020 to March 2023 show that there were more bicycle owners compared to car owners nationwide,” anang SWS.

“In all thirteen surveys, the bulk of motor vehicle owners nationwide own 2-wheeled types, such as motorcycles,” dagdag nito.

Isinagawa ang survey mula March 26 hanggang 29, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults sa buong bansa.

Ang sampling error margins ay +2.8% para sa national percentages at +5.7% sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. RNT/SA