Home NATIONWIDE DMW, stakeholders sanib-pwersa sa pagpapalakas ng Nihonggo proficiency ng PH workers

DMW, stakeholders sanib-pwersa sa pagpapalakas ng Nihonggo proficiency ng PH workers

MANILA, Philippines – Nagpulong ang Department of Migrant Workers (DMW) at mga pangunahing stakeholder ng Pilipinas at Japan upang tukuyin at tugunan ang kasalukuyang mga hamon sa pagsasanay at pagsusuri sa Nihongo (Wikang Hapones) para sa mga manggagawa.

Sa isang news release nitong Huwebes, sinabi ni DMW Undersecretary Patricia Yvonne Caunan na nakatuon sa pagtutulungang pagsisikap na bigyan ang mga manggagawang Filipino ng kinakailangang mga kasanayan sa wika upang maging mahusay sa lugar ng trabahong Hapon ang kauna-unahang “Consultation Meeting on the Japanese Language Training Course” na ginanap noong Mayo 22.

“This meeting served as a valuable platform for open dialogue. By collaborating with all stakeholders, we can ensure Filipino workers receive the best possible Japanese language training, ultimately boosting their competitiveness for jobs in Japan,” sabi ni Caunan.

Lumahok din sa konsuktasyon ang mga kinatawan mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philippine recruitment agencies na nakikilahok sa Technical Intern Training Program (TITP) and Specified Skilled Worker Program (SSWP), at language training centers nationwide.

Ang Japanese Embassy sa Manila, na kinakatawan ni First Secretary at Labor Attaché Chihiro Kanno, at ang Japan Foundation Manila ay nakiisa rin sa konsultasyon–dialogues.

“This marks a promising step towards a more streamlined and practical pathway for Filipino workers in Japan with stakeholders working more closely to ensure Filipino talent has the necessary language skills and knowledge to succeed in the Japanese workforce,” dagdag pa ni Caunan. Jocelyn Tabangcura-Domenden