MANILA, Philippines- Nagresulta ang paglakas ng habagat sa Northern Luzon sa pagtaas ng water levels sa tatlong main reservoirs sa Metro Manila, na malapit nang umabot sa spilling levels.
Ayon sa pinakabagong Dam Watch report na inilabas ng Manila Water Co., nakapagtala ng biglang pagtaas ng water levels sa La Mesa, Ipo, at Angat Dams nitong Biyernes, kumpara sa lebel ng mga ito noong Huwebes.
Sa kasalukuyan, umabot na ang La Mesa Dam sa79.61 meters, lampas sa critical level nitong 69 meters at malapit na sa spill level na 80.15 meters.
Samantala, kasalukuyang ang Ipo Dam ay nasa 100.92 meters, na may 0.08-meter gap na natitira bago umabot sa spill level na 101 meters.
Gayundin, palapit na ang Angat Dam sa maximum capacity nitong 217 meters, na may kasalukuyang water level na 199.15 meters, na mas mataas sa critical level na 160 meters.
Nitong Huwebes, nakatanggap ang mga residente malapit sa Ipo at Angat Dams sa Bulacan ng yellow rainfall warning.
Inalerto sila sa potensyal na banta ng pagbaha, partikular sa mga lugar na malapit sa water reservoirs. RNT/SA