Home METRO 50 pamilya apektado sa sunog na sumiklab sa Muntinlupa

50 pamilya apektado sa sunog na sumiklab sa Muntinlupa

MANILA, Philippines – Umabot sa 50 pamilya ang apektado sa mahigit isa’t-kalahating oras na sunog na lumamon sa kanilang mga kabahayan sa Muntinlupa City Lunes ng umaga, Marso 3.

Base sa report ng Muntinlupa City Fire Station, nagsimula ang apoy dakong alas 5:00 ng umaga sa isang residential area malapit sa S&R Warehouse Club parking area at Alabang Town Center shopping mall kung saan dikit-dikit ang kabahayan na matatagpuan sa Purok 11, Sitio Masagana, Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Itinaas ang unang alarma ng 5:32 ng umaga na umabot sa ikatlong alarm bandang alas 6:00 ng umaga bago ito ideklarang fire out dakong alas 7:08 ng umaga.

Wala namang naiulat na nasugatan o namatay sa insidente ng sunog kung saan nasa 150 indibidwal ang nawalan ng kanilang mga tirahan na gawa lamang sa semi-light materials.

Umabot sa P2 milyon ang halaga ng napinsalang ari-arian sa naturang sunog habang patuloy pa rin ang imbetigasyon upang matukjoy ang dahilan at pinagmuman ng apoy.

Nasa 40 fire trucks, dalawang rescue vehicles at limang ambulansya ang rumesponde sa sunog.

Matatandaan na ang buwan ng Marso ay ang Fire Prevention Month na ginugunita sa buong bansa. James I. Catapusan