Home METRO 50 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Laguna

50 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Laguna

130
0

SAN PEDRO CITY, Laguna — Mahigit 50 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang mga bahay at paupahang unit sa Barangay Poblacion nitong Lunes ng umaga.

Nagsimula ang sunog pasado alas-8 ng umaga at mabilis na kumalat dahil sa malakas na hangin, dahilan upang hindi na mailigtas ng mga residente ang kanilang mga ari-arian.

Ayon sa mga awtoridad, muntik nang maabot ng sunog ang kalapit na San Pedro Central Elementary School ngunit napigilan ito ng firewall. Ligtas namang nailikas ang mga estudyante at guro.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa insidente. Pansamantalang nanunuluyan ang mga apektadong pamilya sa covered court ng Barangay Poblacion.

Ayon kay Vernet Nico Pavino, pinuno ng San Pedro City Disaster Risk Reduction and Management Office, patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog.

Nagbigay na rin ng paunang tulong ang lokal na pamahalaan kabilang ang relief goods, food packs, hygiene kits, at bottled water. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here