Home NATIONWIDE 500K customer ng Meralco nawalan ng kuryente

500K customer ng Meralco nawalan ng kuryente

MANILA, Philippines – Mahigit kalahating milyong customer ng Manila Electric Company (Meralco) ang apektado ng power service interruptions dahil sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine.

Sa abiso, sinabi ng Meralco na hanggang nitong Huwebes, Oktubre 24 ay “around 535,000 customers are affected by service interruptions.”

Ang karamihan sa mga apektadong customer ay mula sa mga probinsya ng Cavite at Laguna.

“There are also some in parts of Rizal, Quezon, Batangas, while the rest are in Metro Manila and Bulacan,” ayon sa Meralco.

“Rest assured that we are closely monitoring the situation and our crews are working non-stop to restore service as soon as possible. We urge everyone to prioritize safety and take necessary precautions during this time,” pahayag ni Meralco vice president and head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga. RNT/JGC