MANILA, Philippines – Inaresto ng mga operatiba ng Taguig Police ang isang 55-anyos na babae sa isang shabu buy-bust operation noong Setyembre 23.
Ang suspek na kinilalang si alyas Glenda ay nasakote ng mga tauhan ng Taguig Police Drug Enforcement Unit at Substation 6 dakong 9:30 ng gabi. sa Santos Extension sa Barangay North Signal.







