UNITED STATES – Positibong kinilala ng mga opisyal ang 55 sa 67 kataong nasawi sa banggaan ng American Airlines passenger jet at isang military helicopter sa ibabaw ng Potomac River, Washington, DC.
Sinu-survey na ng Army Corps of Engineers ang lugar at naghahanda sa salvage operations para alisin ang wreckage sa ilog.
Malaking bahagi ng Potomac River ay off-limits pa rin sa lahat ng mga barko bukod sa mga awtorisadong bangka. RNT/JGC