HINDI makakailang nakapuntos sa “Tanong ng Bayan: Senatorial Face-Off 2025” debate si senatorial candidate at Valenzuela City Rep. Eric Martinez kaugnay ng posisyon nito kung paano a\matalino at tumpak na matutugunan ng pondo ng pamahalaan ang pagpapabuti pa sa istratehiya sa disaster management.
Umani ng papuri si Martinez at pinalakpakan ng mga manonood nang sagutin nito ang katanungan na dapat palaganapin pa ng gobyerno ang paggamit ng modernong teknolohiya sa pangangasiwa sa climate change at global warning bilang istratehiya kung paano maiibsan ang matinding epekto ng kalamidad sa mga komunidad sa Pilipinas.
Si Martinez ay sasabak sa senatorial race ngayong May 12 mid-term polls bilang isang independent candidate kung saan iginiit niya na dapat palawakin ng gobyerno ang inisyatibo nito sa disaster management lalo na sa flood control projects partikular na sa Metro Manila.
Hinggil naman sa tanong kung paano epektibong magagamit ng gobyerno ang multi-milyong peso budget nito sa disaster management, si Martinez ay nakuha ang pulso ng audience nang irekomenda nito na dapat pag-aralan ng gobyerno ang patugon ng Japan sa kalamidad gamit ang inobasyon nito at modernong teknolohiya na patunay sa mga panahon ng lindol, bagyo at mga pagbaha ay naging matatag ang nasabing bansa.
“As much as we try to solve the problem of floods, we have to look carefully, tingnan nating mabuti ang makabagong teknolohiya na meron ang Japan at ibang bansa na naging resilient sa mga disasters,” ang sabi ni Martinez.
“We really have to look into technology and how we are going to use this to improve our disaster management strategies,” paggigiit pa niya.
Ipinunto rin ni Martinez ang pangangailangang mapalawak ang disaster management ng gobyerno patungo sa mga kalapit na lalawigan ng Metro Manila at tiyakin ang isang whole-of-government approach sa disaster mitigation program.
“Urbanization is real. Metro Manila has reached its point of saturation. We have to look beyond Metro Manila. Let us look towards Bulacan, Bataan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas and Rizal. No amount of flood control program in Metro Manila will work if we are not going to expand towards our neighboring provinces,” mariing pahayag pa ng former Deputy Speaker.
“That’s the way we can go. We have to decentralize Metro Manila for us to have a chance with global warming.” Dugtong ng three-termer lawmaker.
Naniniwala si Martinez na ang kanyang mahabang karanasan bilang legislator ay ang mabigat niyang kuwalipikasyon sa posisyon bilang senador kung kaya pursigido siya sa kanyang kandidatura.
“Nagsimula ng paglilingkod bilang choir at pianista sa simbahan. Isang Katoliko. SK Kagawad, Barangay Kagawad, Konsehal ng Bayan, Vice Mayor at Congressman. Lehislatura, 33 years of experience at ang trabaho ng senador ay paggawa ng batas,” ang naging pagpapakilala ni Martinez sa simula ng naturang national televised debate. RNT