Home NATIONWIDE 5,789 kaso ng influenza-like illnesses (ILIs) sa bansa naitala

5,789 kaso ng influenza-like illnesses (ILIs) sa bansa naitala

MANILA, Philippines- Nasa 5,789 kaso ng influenza-like illnesses (ILIs) sa buong bansa ang naitala na ng Department of Health (DOH) mula Enero 1 hanggang 18, 2025.

Ito ay 54% na mas mababa kaysa 12,620 kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon. Sa ngayon, isa ang iniulat na namatay dahil sa ILI ngayong 2025.

Ang nangungunang sanhi ng ILI sa bansa ay ang Influenza A, Influenza B, Rhinovirus, Enterovirus, Respiratory Syncytial Virus, at Adenovirus.

Pinayuhan ng DOH ang publiko, lalo na ang mga mahihinang grupo, na mag-ingat at magsagawa ng respiratory etiquette ngayong panahon ng Amihan laban sa ILI.

Ang mga respiratory conditions tulad ng allergy o respiratory infection ay maaaring tumaas sa panahon ng Northeast Monsoon o Amihan season dahil sa mas malamig na panahon, ayon sa ahensya. Jocelyn Tabangcura-Domenden