Home NATIONWIDE E. Visayas, Caraga, Davao Region uulanin sa LPA

E. Visayas, Caraga, Davao Region uulanin sa LPA

151
0

MANILA, Philippines – Magdadala ang Low Pressure Area (LPA) ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region sa Martes, iniulat ng PAGASA.

Idinagdag ng weather bureau na maaaring magkaroon ng flash flood o landslide sa mga lugar na ito dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Samantala, maaapektuhan naman ng Southwest Monsoon o Habagat ang kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Mindanao.

Ang Palawan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Cavite, Batangas, Bataan, at Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng Southwest Monsoon na may flash flood o landslides na posibleng mangyari sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized na thunderstorm na may mga flash flood o landslide na posibleng magaganap sa panahon ng matinding pagkulog.

Ang kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na hangin na kumikilos sa timog-kanluran hanggang timog-silangan habang ang mga baybaying dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

Ang mga residente sa Mindanao ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang hangin na kumikilos sa direksyong hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran. Ang tubig sa baybayin ay magiging bahagyang hanggang katamtaman.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang hangin na kumikilos sa direksyong silangan hanggang timog-silangan habang ang mga baybaying dagat ay magiging banayad hanggang sa katamtaman.

Sumikat ang araw bandang 5:35 a.m., at lulubog ito ng 6:29 p.m. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here