MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umabot na sa 590,000 benepisyaryo ang napagkalooban ng Electronic Benefit Transfer Card (EBT cards) para sa mga poorest of the poor sa bansa.
Nabatid ito kay Director Camille Ann Taguba – deputy program manager ng Walang Gutom Program ng DSWD para matiyak na walang Pilipino ang nagugutom sa bansa.
Sa press briefing, sinabi ni Taguba na aabot sa P3, 000 halaga ng EBT cards ang buwanang naipagkakaloob sa mga benepisyaryo para makabili ng mga Go, Grow at Glow foods sa may 1,000 partner retailers nationwide kasama na ang Kadiwa Centers ng Department of Agriculture (DA)
Kaugnay nito target ng programa na makapagbigay pa ng nasa 1,500 EBT cards o may kabuuang 700,00 EBT cards hanggang sa pagtatapos ng programa sa susunod na taong 2027.
Niliwanag din ni Taguba na ang listahan ng mga benepisyaryo ay nakukuha sa local DSWD na batay naman sa PSA statistics at Clinical Data Management system (CDMS) at dapat ay nakikiisa sa buwanang assessment ng ahensiya.
Samantala patuloy namang nakabukas araw araw mula alas 6 ng umaga ang Walang Gutom Kitchen ng DSWD sa Pasay City para sa lahat ng nagugutom na indibidwal.
Kaugnay nito takda na ring buksan ang Walang Gutom.Kitchen sa Cebu at Zamboanga na may nataas ding bilang ng nagugutom na mamamayan batay sa PSA data. (Santi Celario)