Home METRO 6 arestado, 9 baril nakumpiska sa gun ban ng ASEAN Summit sa...

6 arestado, 9 baril nakumpiska sa gun ban ng ASEAN Summit sa Central Visayas

68
0

CEBU, Philippines – Umabot sa anim ang naaresto habang siyam na baril ang nakumpiska dahil sa ipinatutupad na gun ban para sa 48th ASEAN Summit sa Central Visayas.

Ayon sa Police Regional Office 7, nagsimula ang pinaigting na operasyon matapos ipatupad ang gun ban noong Mayo 4, 2026 bilang bahagi ng seguridad para sa internasyonal na pagtitipon.

Layunin ng operasyon na maiwasan ang ilegal na pagdadala ng baril at mapababa ang posibleng banta sa seguridad habang ginaganap ang summit na inaasahang dadaluhan ng mga dayuhang delegasyon at lider ng iba’t ibang bansa.

Sa kabuuan, siyam na baril ang narekober sa iba’t ibang operasyon sa rehiyon. Tatlo rito ay boluntaryong isinuko, lima ang nakumpiska sa police response operations, at isa naman ang nasamsam sa buy-bust operation.

Hindi pa inilalabas ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga naaresto at eksaktong lugar ng pagkakakumpiska ng mga armas.

Ayon kay PRO-7 Acting Regional Director Police Brigadier General Arnold E. Abad, nakalatag ang full-scale security operations sa buong rehiyon upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng publiko at ng mga dadalong delegado.

Nanawagan din ang PRO-7 sa publiko na sumunod sa mga alituntunin ng seguridad at agad iulat ang mga kahina-hinalang aktibidad upang matiyak ang maayos na pagdaraos ng ASEAN Summit. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here