Home METRO Higit 20K residente ng Albay na naapektuhan ng Mayon makatatanggap ng agarang...

Higit 20K residente ng Albay na naapektuhan ng Mayon makatatanggap ng agarang tulong – DOLE

82
0

ALBAY, Philippines – Mahigit 20,000 residente ng Albay na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon ang makatatanggap ng agarang tulong mula sa Department of Labor and Employment (DOLE)  na nagkakahalaga ng P110 milyon.

Sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD)  program, bibigyan ng emergency employment at pinansyal na tulong ang mga apektadong manggagawa.

Ayon kay Regional Director Imelda F. Gatinao, mabilis na isinasagawa ang profiling at assessment sa mga lugar na apektado ng ashfall, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay.

Ang mga benepisyaryo ng TUPAD ay tutulong sa disaster rehabilitation efforts sa loob ng sampung araw, kabilang ang paglilinis ng komunidad at pag-aayos ng debris.

Tatanggap sila ng sahod batay sa umiiral na minimum wage sa rehiyon. Bukod dito, ilulunsad din ang DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) para sa pangmatagalang kabuhayan ng mga naapektuhang manggagawa.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DOLE sa mga LGUs at iba pang ahensya ng gobyerno para masigurado ang mabilis at komprehensibong tulong sa Albay.

Sa gitna ng Alert Level 3 sa Bulkang Mayon, nangako si RD Gatinao na tuloy ang suporta ng DOLE para sa mga naapektuhang manggagawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here