Home METRO 6 arestado sa sinalakay na drug den 

6 arestado sa sinalakay na drug den 

ANGELES CITY, Pampanga- Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) operatives nitong Lunes ang anim na kalalakihan sa umano’y makeshift drug den sa Lourdes village sa bayan ng Lubao sa lalawigang ito.

Sinabi ng PDEA Central Luzon na mula Agosto ay minamatyagan na nito ang drug den matapos makatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizens na ginagamit umano ang bahay sa illegal drug activities.

Kinilala ang anim na nadakip na mga suspek na sina Kevin, 32, ang pangunahing target ng operasyon; Carlo, 32; Francis I., 28; Jay-Ar, 22; Francis T., 43; at Harnen, 28, kapwa residente ng Lubao.

Iniulat ng PDEA Central Luzon na natuklasan ng mga operatiba nito ang P81,000 halaga ng “shabu” (crystal meth) sa loob ng makeshift drug den sa raid ng alas-8:14 ng hapon.

“The operation was conducted by joint operatives of PDEA Bataan, PDEA Pampanga, PDEA Bataan Seaport Interdiction Unit, and PNP Drug Enforcement Unit-Pampanga,” dagdag nito.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA