Home METRO 6 bata, 5 pa nasagip sa tumaob na bangka sa Romblon

6 bata, 5 pa nasagip sa tumaob na bangka sa Romblon

292
0

MANILA, Philippines – Labing-isang katao, kabilang ang anim na bata at isang senior citizen, ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos tumaob ang kanilang motorbanca sa karagatan malapit sa Barangay España, San Fernando, Romblon.

Ayon sa PCG, pauwi na ang mga sakay mula sa panonood ng motorboat race nang mawalan ng balanse ang bangka, mga 15 metro mula sa pampang.

Agad nakaresponde ang mga tauhan ng Coast Guard na nasa lugar.

Ligtas at nasa maayos na kalagayan na ang lahat ng nasagip. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here