MANILA, Philippines – Nais ng Land Transportation Office (LTO) na palakasin ang presensya ng mga deputized enforcer sa lahat ng expressway upang masugpo ang overspeeding at mapanatili ang kaligtasan ng mga motorista.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, nakaaapekto sa asal ng mga drayber ang simpleng presensya ng mga enforcer.
Binatikos din niya ang kasalukuyang sistema ng paghuli sa mga lumalabag sa bilis sa mga exit point, dahil maaaring maaksidente ang mga ito bago pa mahuli.
Hiniling niya ang real-time monitoring at agarang aksyon sa mga lumalabag.
Noong 2024, mahigit 31,000 aksidente sa kalsada ang naitala, at 13% nito ay sa expressway—karamihan ay ikinamatay.
Hinikayat ng LTO ang mga deputized enforcer na gampanan ang kanilang tungkulin para sa kaligtasan ng lahat sa expressway. Santi Celario