Home NATIONWIDE 6 BPO firms sa C. Visayas, iinspeksyunin ng DOLE

6 BPO firms sa C. Visayas, iinspeksyunin ng DOLE

279
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang sumailalim sa inspeksyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang anim pang business process outsourcing (BPO) company sa Central Visayas.

Ayon kay DOLE-Central Visayas Director Roy Buenafe, ilang kumpanya ang isasailalim sa occupational safety and health (OSH) standards inspections sa mga susunod na araw.

Sa isang pahayag, sinabi ni Buenafe na isasagawa ang mga inspeksyon kasunod ng mga ulat sa social media at pormal na reklamong inihain sa regional office.

Idinagdag ng opisyal na magsasagawa rin sila ng kahalintulad na inspeksyon sa iba pang industriya upang masiguro ang kaligtasan ng mga manggagawa.

Ang mga inspeksyon ay kasunod ng ulat hinggil sa paglabag sa OSH rules ng isang BPO firm, na nag-udyok sa DOLE-7 na maglabas ng Work Stoppage Order laban sa kumpanya.

Nakasaad sa cease and desist order na maaari lamang ipagpatuloy ng naturang BPO ang operasyon kapag ang lahat ng hindi ligtas na kondisyon ay natugunan at ang mga natukoy na paglabag sa OSH ay ganap na naitama.

Sinabi ng ahensya na dapat bayaran ang sahod ng mga empleyado sa gitna ng suspensyon ng operasyon, alinsunod sa OSH Law.

Binanggit din ng DOLE na ang mga apektadong manggagawa ay maaari pa ring bigyan ng mga gawain ng kumpanya sa panahon ng paghinto ng operasyon, sa ilalim ng alternative o flexible work arrangements. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here