Home METRO P5.4-M tobats nasabat sa Camarines Sur, 4 arestado

P5.4-M tobats nasabat sa Camarines Sur, 4 arestado

298
0

LEGAZPI CITY – Higit sa ₱5.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa apat na hinihinalang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Camarines Sur, iniulat kahapon.

Kinilala ni Brig. Gen. Nestor Babagay Jr., direktor ng Police Regional Office 5 (PRO-5), ang mga nadakip na suspek na sina alyas “Ann,” “Lito,” “Kitty,” at “Daniel,” pawang mga residente ng Dalipuga, Iligan City.

Nakumpiska mula sa kanila ang 800 gramo ng shabu, mga drug paraphernalia, at iba pang ebidensya.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here