Home HOME BANNER STORY 6 Chinese, 6 Pinoy arestado sa kidnapping – PNP

6 Chinese, 6 Pinoy arestado sa kidnapping – PNP

263
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang anim na Chinese at anim na Pinoy na umano’y dumukot sa isang Chinese businessman sa Paranaque ngayong buwan, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa impormasyon ng Anti-Kidnapping Group (AKG), sinabi ng PNP na ang 12 indibidwal ay naaresto sa operasyon ng mga awtoridad sa Sto. Tomas, Batangas, 2:45 ng hapon nitong Linggo, Hulyo 13.

Nagresulta ang pagkakahuli sa mga suspek sa pagkakasagip naman sa biktimang Chinese.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng pinsan ng biktima sa umano’y nangyaring pagdukot noong Hulyo 1, 6:40 ng gabi sa loob ng condominium sa Parañaque.

“The kidnappers demanded ransom from the victim’s family in China, making them helpless to send an unconfirmed amount through an online transfer with a cryptocurrency account provided by the kidnappers,” ayon pa sa PNP.

“In the meantime, the victim who was held for almost two weeks was accorded appropriate assistance,” dagdag pa.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang iba pang mga suspek ngunit naglunsad na ng hot pursuit ang AKG laban sa mga ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here