Home METRO Menor de edad nalunod sa Manila Bay

Menor de edad nalunod sa Manila Bay

253
0

MANILA, Philippines – Patay na nang matagpuan ang isang menor de edad na hubo’t hubad at pinaniniwalaang nalunod sa baybayin ng Manila Bay.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), nasa edad walo hanggang 10 taong gulang ang batang lalaki na natagpuan nitong Linggo ng hapon sa Block 1 Aplaya, Baseco Compound, Barangay 649 Port Area, Maynila.

Ayon sa barangay tanod na si Milagros Esmena, nagso-solicit siya nang makarining ng sigaw na may batang nalunod.

Agad niya itong pinuntahan at nakita ang biktima na nasa pampang kaya agad niyang dinala sa Gat Andres Memorial Medical Center ngunit hindi na rin ito naisalba.

Posible umanong nag-swimming ito sa Manila Bay at nalunod saka tinangay ng alon sa pampang. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here