Home NATIONWIDE 6 DepEd nat’l events sa Cebu, makatutulong sa pagrekober ng ekonomiya –...

6 DepEd nat’l events sa Cebu, makatutulong sa pagrekober ng ekonomiya – VP Sara

MANILA, Philippines – Makatutulong para sa post-COVID-19 economy ng Cebu ang anim na major national events ng Department of Education sa probinsya, sinabi ni Vice President at outgoing Secretary Sara Duterte.

Sa speech nitong Lunes, Hulyo 8, sinabi ni Duterte na ang simultaneous conduct ng national competitions ay hindi lamang susuporta sa mga kabataan kundi maging sa mga local na Negosyo sa probinsya.

Ang tinutukoy niya ay ang Palarong Pambansa, 2024 National Festival of Talents, National Schools Press Conference (NSPC), National Learner’s Convergence, Learning Camp at ang Solidarity Meeting of the Learners’ Rights and Protection Office, na idaraos sa probinsya.

“Ito rin po ang tulong namin sa lokal na ekonomiya ng Cebu at sa inyong mga micro-small and medium enterprises, post Covid-19 pandemic,” sinabi ni Duterte sa opening ceremony ng 2024 National Festival of Talents sa Naga City.

Ani Duterte, ang ideya ay dumating noong nakaraang taon upang hindi magkaroon ng kalat-kalat at hiwa-hiwalay na engagements para sa mga guro, trainers at coaches, at masuportahan din ang rehiyon o probinsya kasabay nito.

“Kaya po masaya kami na nandito kami sa Cebu para sa iba’t bang aktibidad ng Department of Education,” aniya.

Nagpasalamat din si Duterte sa local na pamahalaan ng Cebu sa pakikipagtulungan sa education sector. RNT/JGC