Home NATIONWIDE Medical evacuation ng Pilipinas sa Ayungin, hinarang ng China

Medical evacuation ng Pilipinas sa Ayungin, hinarang ng China

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Navy na hinarang ng mga barko ng China ang mga barko ng Pilipinas na magbabyahe sana ng isang pasyente ula sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Linggo, Hulyo 7.

Ayon kay Philippine Navy Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nagsasagawa ng emergency medical evacuation ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa BRP Sierra Madre nang harangin ito ng mga barko ng China malapit sa Ayungin Shoal.

Matagumpay na nadala naman ang pasyente sa Palawan.

Noong nakaraang buwan, iniulat ng PCG ang kaparehong insidente kung saan pinigilan din ng China Coast Guard ang medical evacuation ng isang tauhan ng Philippine Navy na may sakit at naka-istasyon sa BRP Sierra Madre. RNT/JGC