Home NATIONWIDE Higit 1,400 benepisyaryo sa Marikina inayudahan ni Sen. Revilla, DSWD

Higit 1,400 benepisyaryo sa Marikina inayudahan ni Sen. Revilla, DSWD

Nabiyayaan ng tulong ni Senador Ramon Bong Revilla Jr , na kinatawan ng kanyang may bahay na si Cavite 2nd district Representative Congresswoman Lani Mercado-Revilla, sa tulong na rin ng Department of Social Welfare and Development ( DSWD) ang mahigit sa 1,400 na kapuspalad sa Lunsod ng Marikina.

Sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program, nabiyaaan ng tulong ni Revilla ng P2,000 bawat isa sa nasa 1,400 na mga kapus-palad na ginanap sa Q. Civic Centers Barangay Concepcion Dos Marikina City.

Dumalo din sa naturang pamamahagi ng tulong si Marikina 2nd district Representative Stella Quimbo.

Ayon kay Congresswoman. Revilla, mahalaga ang mga ganitong uri ng tulong pinansyal upang maibsan kahit papano ang bigat ng gastusin dahil sa nagtataasan na presyo ng mga bilihin.

Samantala, ikinasiya ng Kongresista ang tuluyang pagkakapasa bilang isang ganap na batas ng Republic Act No. 12006 o ang ‘Free College Entrance Examination Act’ na iniakda ni Sen. Bong Revilla Jr.

Sa tulong nito, mabibigyan na Sabi ni Revilla ng pagkakataon na maabot ang quality tertiary education ng mga kapus-palad ngunit matatalinong mga mag-aaral dahil hindi na aniya sisingilin ang mga estudyanteng ito ng entrance examination fees at charges para sa college admission.

Upang mapakinabangan aniya ang bagong batas na ito, kailangan lamang na natural-born Filipino citizen ang estudyante; mula sa top 10% ng graduating class; at kabilang sa mga mahihirap na pamilya na walang kakayahang tustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. RNT