Home NATIONWIDE P1.1M shabu nasabat sa bigtime tulak sa Rizal

P1.1M shabu nasabat sa bigtime tulak sa Rizal

MANILA, Philippines – Mahigit P1.1 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa big-time tulak sa Binangonan, Rizal nitong Lunes, Hulyo 8.

Nahuli ng mga miyembro ng local police drug enforcement unit ang suspek na si “Vandolf” matapos makapagbenta ng P7,000 halaga ng shabu sa poseur buyer sa buy-bust operation 9:43 ng gabi sa Barangay Pagasa.

Sa ulat ng Police Regional Office 4-A, nakumpiska kay Vandolf ang 34 plastic sachet na naglalaman ng 170 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,156,000.

Kinumpiska rin ng mga operatiba ang motorsiklo na pinaniniwalaang ginagamit ni Vandolf sa mga illegal na aktibidad.

Tinukoy din ang suspek bilang high-value individual sa local drug trade.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pinagkukuhanan ni Vandolf ng suplay ng shabu.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC