Home NATIONWIDE 6 katao na sakay ng nagka-aberyang motorbanca sa El Nido, sinaklolohan

6 katao na sakay ng nagka-aberyang motorbanca sa El Nido, sinaklolohan

221
0

MANILA, Philippines – Tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na katao na sakay ng isang motorbanca na nakaranas ng mechanical trouble sa karagatan malapit sa Big Lagoon, El Nido, Palawan, noong Linggo ng hapon, Disyembre 28.

Sa isang ulat na inilabas nitong Lunes, sinabi ng PCG na nakatanggap sila ng kahilingan para sa assistance bandang 5:56 ng hapon noong Disyembre 28 para sa motorbanca MBCA Aquaholic.

Iniulat ng kapitan ng bangka na nagkaroon ng gear-lock malfunction ang engine ng motorbanca na naging sanhi ng pag-shift ng axle at pagkwala ng propulsion.

Bandang 6:55 ng hapon, nakita ng search and rescue team ng PCG ang bangka at siniguro ang ligtas na pag-navigate nito sa Telesfura, El Nido.

Lahat ng pasahero ay ligtas at walang nasugatan sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here