Home NATIONWIDE LTO nangako, magpapakalat ng mas maraming enforcer sa pagdiriwang ng Bagong Taon

LTO nangako, magpapakalat ng mas maraming enforcer sa pagdiriwang ng Bagong Taon

233
0

MANILA, Philippines – Siniguro ng Land Transportation Office (LTO) nitong Lunes, Disyembre 29 na magpapakalat pa ito ng mas maraming law enforcer upang masiguro ang ligtas at maayos na biyahe sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Sa pahayag, sinabi ng ahensya na ipinag-utos ni LTO chief at Assistant Secretary Markus Lacanilao sa LTO – Law Enforcement Service, Regional Law Enforcement, at K9 units ang patuloy nitong mahigpit na monitoring at inspeksyon ng public utility vehicles sa pagsisiguro ng kaligtasan ng mga biyahero.

Ito ay dahil na rin sa inaasahang dagsa ng mga babiyahe para sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Ang direktiba ni Lacanilao ay bahagi ng Department of Transportation (DOTr)-LTO “Oplan Biyaheng Ligtas! Pasko 2025” initiative.

Tututok ang LTO sa mas mahigpit na pagpapatupad ng Land Transportation and Traffic Code at iba pang batas, kasabay ng pagtulong sa mga commuter lalo na ang mga bata, senior citizens, at persons with disabilities (PWDs).

Pangangasiwaan din ng ahensya ang trapiko sa mga kalsada patungo sa mga shopping centers, recreational at amusement areas; at pagsasagawa ng information at education campaigns sa mga batas, panuntunan at regulasyon na may kaugnayan sa land transportation.

Nagpaalala rin si Lacanilao sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad, sumunod sa batas-trapiko at agad na isumbong ang anumang violation upang masiguro ang maayos na biyahe.

Noong nakaraang linggo, naglatag ang LTO ng Mobile Command Centers na pinapagana ng Artificial Intelligence (AI) systems sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ang AI-powered Mobile Command Centers ay kayang mag-analisa ng mga dumadaang sasakyan sa pamamagitan ng CCTV footage at maaaring ma-access sa database ng LTO para sa registration, active cases o alarm, at hindi awtorisado o illegal na pagbabago sa sasakyan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here