MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Manila Police District (MPD) na may ilang persons of interest na sa umanoy nag-iwan ng paputok sa lugar kung saan ikinasawi ng isang menor de edad at pagkasugat pa ng isa niyang kaibigan.
Ayon sa MPD, tinutukoy na kung magsasampa ng mga kasong kriminal kaugnay sa insidente.
Nangyari ang pagsabog ng paputok noong Disyembre 28 ng gabi malapit sa kanto ng Lorenzo Street at Jose Abad Santos Avenue sa Tondo.
Dalawang 12-taong gulang na batang lalaki ang naglalakad sa lugar nang mapulot nila ang hinihinalang paputok.
Ayon sa paunang imbestigasyon, isa sa mga bata ang umano’y nagsindi ng paputok gamit ang isang disposable lighter, na naging sanhi ng pagsabog.
Isa sa mga biktima ang nakaranas ng matinding pinsala at agad na namatay sa lugar.
Ang isa pang biktima ay nagtamo ng mga pinsala at agad na dinala sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center kung saan siya ay kasalukuyang ginagamot.
Narekober sa lugar ng insidente ang isang disposable lighter at mga labi ng firecracker, ay narekober sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden