Home METRO 6 klasrum ng pribadong paaralan nagliyab!

6 klasrum ng pribadong paaralan nagliyab!

LUCENA CITY- Nasunog ang Batangas Eastern Colleges sa bayan ng San Juan sa lalawigan ng nitong Linggo ng gabi, ayon sa mga pulis.

Sa ulat nitong Lunes, sinabi ng Police Region 4A, na tumagal ang sunog na nagsimula ng alas-7:41 ng gabi, ng 41 minuto, kung saan napinsala ang anim na silid-aralan ng pribadong paaralan sa Barangay Lipahan.

Walang nasaktan na naiulat sa insidente.

Sa pagtataya ng mga awtoridad, pumalo sa 100,000 ang pinsala ng sunog.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang mitsa ng pagliyab. RNT/SA

Previous articleChinese intrusion sa Benham Rise kinondena
Next articlePinas binigyan ng Canada ng P145.5M para sa pagbabakuna ng mga batang Pinoy