Home NATIONWIDE Pinas binigyan ng Canada ng P145.5M para sa pagbabakuna ng mga batang...

Pinas binigyan ng Canada ng P145.5M para sa pagbabakuna ng mga batang Pinoy

MANILA, Philippines- Nakatanggap ang Department of Health (DOH) ng grant na nagkakahalaga ng CA$3.4 million (P145.5 million) mula sa Canadian government bilang bahagi ng pagtutulungan sa United Nations Children’s Fund (Unicef) para palakasin ang routine immunization ng mga batang Pilipino at isama ito sa pagbabakuna sa COVID-19.

Ang donasyon ay kasunod ng babala ng World Health Organization (WHO) na ang Western Pacific countries, kabilang ang Pilipinas, ay nasa panganib ng tigdas outbreak dahil sa pagbabakuna at surveillance gaps.

Inulit nina Health Secretary Teodoro Herbosa, Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman, at Unicef Representative to the Philippines Oyunsaikhan Dendevnorov ang kanilang pangako sa magkasanib na pagsisikap na ito sa panahon ng paglulunsad ng partnership noong Martes.

Ayon sa DOH, uunahin ng proyekto ang mga lalawigan at munisipalidad na may pinakamataas na bilang ng mga bata na hindi pa nakakukuha ng kahit isang shot ng childhood vaccine at may pinakamaraming bilang ng mga hindi pa nabakunahan para sa COVID-19 booster vaccines.

Kabilang sa mga piling munisipalidad sa probinsya ng Antique, Davao Del Norte, at Sarangani; General Santos City; at ang Special Geographic Area sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Base sa pinakahuling datos ng DOH, 637,000 batang Pilipino na may childhood vaccine ang fully immunized, na katumbas ng 60 percent coverage ng 96 percent.

Ayon sa DOH, mayroon pa ring milyon-milyong mga batang Pilipino na may zero o hindi kumpletong pagbabakuna na nasa panganib pa rin sa paglaganap ng mga nakamamatay na sakit, tulad ng tigdas at polio. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article6 klasrum ng pribadong paaralan nagliyab!
Next article‘Batang Magaling’ Bill muling itinulak ni Gatchalian