Home HOME BANNER STORY 6 lugar nasa Signal No. 2; Nando super typhoon na

6 lugar nasa Signal No. 2; Nando super typhoon na

281
0

MANILA, Philippines – Isa nang super typhoon si Nando (international name: Ragasa) na may lakas ng hangin na 185 km/h at bugso na 230 km/h, ayon sa PAGASA nitong Linggo ng umaga. Huling namataan ang bagyo 535 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan at kumikilos pa-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Nasa Signal No. 2 ang Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), hilaga at silangan ng Isabela, Apayao, silangang Kalinga, at hilagang Ilocos Norte.

Signal No. 1 naman sa:

-The rest of Isabela
-Quirino
-Nueva Vizcaya
-The rest of Kalinga
-Abra
-Mountain Province
-Ifugao
-Benguet
-The rest of Ilocos Norte
-Ilocos Sur
-La Union
-Pangasinan
-The northern portion of Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig)
-The northern and central portions of Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, San Jose City, Pantabangan, Bongabon, Laur, Gabaldon, General Mamerto Natividad, Rizal, Llanera, Talavera, Science City of Muñoz, Santo Domingo, Talugtug, Palayan City, Cuyapo, Nampicuan, Guimba, Licab, Quezon, Aliaga, Cabanatuan City, Santa Rosa, Zaragoza, Jaen, San Leonardo, General Tinio, Peñaranda)
-The northern and central portions of Tarlac (San Jose, City of Tarlac, La Paz, Victoria, Gerona, Paniqui, Moncada, San Manuel, Anao, Ramos, Pura, Camiling, San Clemente, Mayantoc, Santa Ignacia)
-Aurora

Nagbabala ang PAGASA ng storm surge na lampas 3 metro sa baybaying bahagi ng Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, at Ilocos Sur. Mayroon ding gale warning sa hilaga at silangang baybayin ng Hilagang Luzon.

Inaasahang tatama o dadaan si Nando sa Batanes o Babuyan Islands sa Lunes ng hapon o gabi, at posible pang umabot sa Signal No. 5 bago lumabas ng PAR sa Martes ng umaga.

Pinayuhan ang mga residente sa high-risk areas na agad lumikas at sundin ang abiso ng lokal na pamahalaan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here