Home ENTERTAINMENT Angelica Hart, pa-wholesome na!

Angelica Hart, pa-wholesome na!

552
0
Screenshot

Manila, Philippines — Pagkatapos magpatakam ni Angelica Hart sa maraming boys sa taglay niyang kakaibang hotness, ipinahayag ng dalaga na sobra siyang nagpapasalamat at hindi raw siya makapaniwala na nakatawid na siya sa mainstream.

Pahayag ng magandang sexy actress: *“Sobrang grateful ko po, actually hindi pa rin ako makapaniwala sa mga blessings na dumarating sa akin ngayon.

Bago pa lang ako noon sa sexy genre ay nasa puso ko na talaga na gusto kong mag-transition po sa wholesome image. Kaya okay na naging stepping-stone ko ang Vivamax.”*

Si Angelica ay napapanood ngayon sa Bubble Gang at Pepito Manaloto. Plus, papasok na rin siya sa Totoy Bato ng TV5 na pinagbibidahan ni Kiko Estrada.

Kasama niya si Michael V. sa dalawang show ng GMA-7. Anong klaseng katrabaho si Bitoy?

Tugon ng aktres: “Masaya po siyang katrabaho, ang taba-taba po ng utak at mai-inspire ka po sa kanya sa sobrang galing niya. Isa pa sa nakakabilib po sa kanya ay napaka-humble niya talagang tao at para rin po siyang ako, na lagi pong nakangiti.”

Ano naman ang kanyang reaksyon na tatlo na ang TV shows niya ngayon?

“Sobrang saya po, speechless po talaga ako… kasi hindi pa nagsi-sink in sa akin ang lahat ng ito,” nakangiting wika niya.

Nagbibigay ba sa kanya ng tips ang mga kasama sa shows, lalo na si Bitoy? May natutunan ba siya kay Bitoy sa comedy?

Aniya: “Actually, marami po akong natutunan sa kanila, na kahit hindi po related sa work. Mga life advices po, habang pinapanood ko sila off-cam and on-cam, ang dami ko na pong natututunan sa kanilang lahat.”

From sexy actress ay sumasabak na siya sa pagiging komedyante. Nahirapan ba siya sa transition?

Esplika ni Angel (nickname ni Angelica): “Actually po, medyo naging madali po sa akin, lalo na at likas na komedyante po ako talaga at masayahin na tao. Siyempre po, sa tulong na rin po iyon ng mga co-actors ko sa Bubble Gang at Pepito Manaloto. Kaya sobrang thankful po ako sa kanilang lahat.” Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here