Home NATIONWIDE 6 lugar sa bansa makararanas ng malaimpyernong damang-init

6 lugar sa bansa makararanas ng malaimpyernong damang-init

MANILA, Philippines – Anim na lugar sa bansa ang makararanas ng “danger level” na heat index sa Marso 27, ayon sa PAGASA. Ang heat index na nasa pagitan ng 42°C at 51°C ay mapanganib at maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Sa Dagupan City, Pangasinan, inaasahang aabot sa 47°C ang init. Samantala, posibleng umabot sa 42°C hanggang 43°C ang temperatura sa Tuguegarao City, Virac (Catanduanes), CBSUA-Pili (Camarines Sur), Butuan City, at Legazpi (Albay). Sa Metro Manila, 40°C ang inaasahang heat index sa NAIA Pasay City, habang 38°C naman sa Science Garden Quezon City.

Idineklara na rin ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-init, kaya asahan ang mas mainit na panahon sa buong bansa na may posibilidad ng panaka-nakang thunderstorms. RNT