MANILA, Philippines – Isang Low Pressure Area (LPA) na nasa 220 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur ang magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Mindanao ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.
Ang Visayas, Hilagang Mindanao, Caraga, at Rehiyon ng Davao ay makakaranas ng mga pagkulog at pagkidlat, na may posibilidad ng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa malalakas na pag-ulan.
Sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa, magiging maulap hanggang bahagyang maulap ang kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan dulot ng easterlies.
May posibilidad ng pagbaha o landslide kapag may matitinding thunderstorm. Mahina hanggang katamtamang hangin mula silangan hanggang hilagang-silangan ang mararanasan sa Timog Luzon, Visayas, at Mindanao, habang mahina hanggang katamtaman ding hangin mula silangan hanggang timog-silangan ang iiral sa iba pang bahagi ng bansa. RNT