MANILA, Philippines – Anim pang Dalian train sets ang sumasailalim sa final testing at inaasahan na magiging operational sa susunod na mga linggo, sinabi ni Transportation secretary Vince Dizon.
Inaasahan din na magiging operational sa susunod na ilang buwan hanggang sa susunod na taon ang natitirang 39 mula sa 48 Dalian train sets.
Sinabi ni Dizon na ang train sets ay kailangang sumailalim sa pagsusuri at adjustments.
Ang mga train sets na ito na gawa sa China ay hindi ginamit noon dahil sa hindi pagkakatugma sa kasalukuyang sistema ng MRT-3.
Sa sandaling maging operational ang 48 trains sets, maaaring madoble ng MRT-3 ang kanilang daily capacity sa 700,000 hanggang 800,000 mula sa kasalukuyang 400,000 hangagng 500,000.
Noong nakaraang linggo, pinangunahan ng DOTr at ng Pangulo ang inaugural operations ng unang tatlong Dalian train sets matapos baguhin ang mga ito upang tumakbo sa kahabaan ng MRT-3 tracks. Jocelyn Tabangcura-Domenden