Home NATIONWIDE PNP: Walang banta sa papalapit na SONA ni PBBM

PNP: Walang banta sa papalapit na SONA ni PBBM

282
0

MANILA, Philippines – Walang namo-monitor na banta sa seguridad kaugnay ng nalalapit na ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na Lunes, Hulyo 28, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa isang press briefing nitong Lunes, sinabi ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III na tanging lagay ng panahon lamang ang kanilang inaasahang hamon sa mismong araw ng SONA.

“Hopefully, the weather will clear up so our deployment can proceed more smoothly. We are ready in terms of logistics; we’ve prepared plenty of umbrellas so rallyists can also take cover,” ani Torre.

“Rain or shine, ang mahalaga ay ligtas at maayos ang kapaligiran upang maihayag nang maayos ng ating Pangulo ang kaniyang SONA,” dagdag pa niya.

Matatandaang inanunsyo ng PNP noong Hulyo 8 na nasa 11,949 pulis ang ide-deploy sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang bahagi ng seguridad para sa SONA.

Magtatatag rin ng command center sa Batasan Police Station at isang multi-agency coordinating center sa Quezon City Police District headquarters sa Camp Karingal para sa mabilisang ugnayan ng mga ahensiya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here