MANILA, Philippines – Anim na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y pagtatanim ng ebidensya.
Ayon sa NBI, ang nasabing mga opisyal ay nakatalaga sa Nueva Vizcaya Provincial Office.
Sa imbestigasyon at nakalap na ebidensya ng NBI at Regional Trial Court Branch 37, ang nasamsam na baril kay Freddie Mallari sa isang search warrant operation noong ika-25 ng Mayo 2024 ay gawa gawa lamang ng mga akusado na sina PMaj. Santy C. Ventura, PMsg. Odra Noel R. Afalla, PCpl Jeff Lloyd N. Apangchan, PCpl Randy T. Agdeppa, Pat. John Michael C. Tanguilan, at Police Officer Frederick Mariano.
Noong ika-28 ng Abril 2025, binasura ang lahat ng kaso laban kay Mallari habang kinasuhan naman ang anim na Police Officer noong ika-29 ng Hulyo 2025.
Bunsod nito, patong-patong na kaso ang kinakaharap ng mga akusado gaya ng paglabag sa R.A. 10591 Section 38 o Planting of Evidence. Jocelyn Tabangcura-Domenden